Malamang may hint na kayo kung anong ikukwento ko sa post na to. Yup, nag Star City kami!Yipee..Natuloy din. At ang cast?! Ian,Khaye,Jomz at Ako. Oo, apat lang kami. Supposed to be, 9 kami kaso nang injan yung 5 pang natira, hindi ko na babanggitin kung sino yung mga cartoons na yon!Basta eto lang ang masasabi ko,"The BEST night with my friends!". Hindi namin expected na magiging ganun kasaya yung gabing yon kahit 4 lang kami. 3pm ang usapan namin dito sa bahay, as usual, late ang mga tiga-ibang ibayo. Past 4 na sila dumating. We decided to go na dahil sumasama ang kulay ng buhay, este ng ulap. 15-20 mins of waiting, walang taxi na dumadaan, kaya sa Robinson's Galleria nalang kami pumunta para dun nalang sumakay ng taxi. Bumili kami muna ng ngunguyain habang nasa biyahe kaya nag-McDo muna kami at bumili ng Sundaes!Ü. 5pm na kami nakarating don at habang binabaybay namin ang CCP (dun kami binaba nung manong), di namin pinalampas ang panahon ng kodakan! Hindi naman gaano ka-crowded sa S.C kaya hindi kami nahirapan pumila.....Sa bilihan ng tickets. Kala lang pala namin na hindi crowded pero nung narating namin yung loob,juice ko!Super pila!Pero ok lang. Tiyagaan ika nga. Una naming sinakyan yung Wild River, FOI (for others info), ito yung ride na nakasakay ka sa log boat at aakyat sa almost 15ft. na tore at sabay dadausdos sa tubig!Bastos nga 'tong ride na to, lintik na tubig yan!Para kaming bagong ligo!Ü After that ride, bigla ng dumating si Haring Ulan at para kaming dinuraang langgam sa bilis ng buhos. Tinigil ang rides sa open-area ng place. Pasok din kami sa loob at naghanap ng masasakyan. Nakita namin ang Horror Houses; Gabi ng Lagim, Dungeon Terror at Ang Kilabot ng MUMMY; nakakagulat amf! Pero mas nag-enjoy kami sa The Mummy dahil nabuking namin yung mga tao sa loob na nananakot or should i say, nanggugulat. Kinausap pa kami at nakipagkwentuhan, o diba ang saya!Siguro naka 10x na balik kami dun at parang naglalakad na lang sa Luneta ang galaw namin. Hehe.. Since antagal tumigil nung ulan, nag dinner break muna kami. Rice-in-a-bucket ang trip namin. Ayan at tumigil na si Haring K.J at tuloy-tuloy na ang saya!Nasakyan namin halos lahat ng matataas na rides maliban lang sa Bumper Cars!Pucha kasi haba ng pila, daig pa WowoweeÜ. Di ko maalala yung ibang pangalan ng rides kaya hindi ko nalang ikukwento. Viking; FOI, ito yung malaking dambuhalang barko na nagssway ng back and forth, dito kami tinablan ng hilo, ay sila lang pala. Haha.. halos masukasuka na sila sa hilo!Haha.. The Loop; ay, eto na. Dito nagkasubukan, in case di alam nung iba, eto yung rides na may dadaanang loop yung coaster na talga namang maiiwan pati ang small intestine mo! Nung napagod at nahilo na SILA, nagplano na kami pumunta ng baywalk, ngunit dahil hilong hilo na si prinsesa Khaye, eh naglugaw na lang kami. Una, mami ang trip nitong si Khaye eh nagsara na yung Chowking, Arroz Clado nalang! Siguro 12:30 kami nakapara ng taxi pauwi. Masaya pauwi kasi naki-join pa si Manong Taxi Driver na si Kuya Pio, naghanap siya ng radio station na magpapa-Bounce (ika nga ni Kuya Pio, bumabayo!Ü) samin. Nakiki indak pa siya kay Ian at nakipag-robot dance pa!Haha..1am na kami nakauwi ng bahay at tumuloy muna sila Ian and Khaye dito samin para magpahinga kahit 5mins lang. Sobrang pagod at haggard na talga kami kaya nagyaya na umuwi si Khaye. Hinatid na namin sila sa sakayan at direcho narin kami sa aming mga kanya-kanyang bahay. Medyo malaki man ang nagastos namin nung gabing yon, sulit naman sa kasiyahan!Sana hindi yun ang una't huling beses na mangyayari yung ganun!
http://www.flickr.com/gp/10695621@N05/7Czy96