CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Friday, August 31, 2007

::: Willie SUX!!! :::

+Panignit lang+

from Pinoy Rickey:

Wowowee host Willie Revillame got very emotional as he shared his true feelings about the “Wilyonaryo” controversy and Joey de Leon’s constant remarks about the issue. Joey is one of the main hosts of Eat Bulaga! on GMA-7, Wowowee’s rival program.
Willie seemed to lose control of himself and he blurted out, “Sa mga taong may sakit, kayo lang iniisip ko, off-cam, kahit walang camera, ano ginagawa namin dito? Tumutulong pa rin kami!”
Willie’s frustration was evident as he addressed Joey and the frequent remarks of the latter concerning the scandal. The exasperation of his voice showed how irritated he was with Joey.
“Ikaw na ang bida, ikaw na ang number one, sa iyo na ang ratings, ikaw na! Sige, Eat Bulaga! na ang number one!” Willie cried out.


-x-

What the heck is his problem?!Bobo talagang maituturing! Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi magcomment sa issue na 'to, actually napanood ko yung episode na 'yun at talaga namang magtataka ka kung bakit ganon ang nangyari. At si Bitoy na ang nagkuwento samin during the taping of BFV. Imposibleng nagkaroon ng glitch whatever dahil hindi naman iyon ang unang beses na nilaro ang said segment, nalaro na yon once at si Empoy pa ang contestant kaya bakit magkakaron ng problema samantalang nung nilaro naman 'yun ni Empoy ay wala namang naging gusot?! At si Joey De Leon pa ang kakalabanin niya?! Willie, I've got 2 words foe yah!
YOU SUCK!

Wednesday, August 29, 2007

::: BLOG UPDATE :::

Mejo tinatamad ako mag-gawa ng entry ngayon dahil na rin nagloloko ang connection namin.


I'll just leave you with these cool photos..Ü






Saturday, August 18, 2007

::: 16 years of living :::

I was browsing (again) my PC when I saw my baby photos and made me realize..

"Sh*t! Ang tanda ko na pala!"


This picture was taken at Subic when I was 3-4 years old ata. Isn't he adorable?!Haha..Ü



Ayos ba?Yup, long-haired kid ako dati, lahat kaming magkakapatid ay nakaranas ng ganyang uri ng hair-do!Hehe..Sa may terrace namin 'yan kinunan with a mexican-inspired look!Ü



Look at this..Ahhww..13 years of age. Unti-unti na kong namumulat sa puberty niyan!Hehe..I miss those days..



This is me! After 16 years!Ü



And look at me now, all-grown-up, mature na at siyempre, gwapo parin..Nakkss..I miss those days. 16 years of happiness, 16 years of loneliness, 16 years of dreaming, 16 years of sacrificing and 16 years of blessed life!






"Life is short, so make the most out of it!"

-Damian, Marvin Jonas

Thursday, August 16, 2007

::: Nicknames :::

Here's a pre-historical explanation why am I given this kind of crappy nicknames:

Jonas: Duh, obvious naman eh, they got this from my whole name. And oh, mas madali daw banggitin kesa sa Marvin, nahihirapan sila ipronounce ang "Vee" sound. LOL

Nas: Again, alam naman natin na ang pinoy eh mahilig sa shortcutin ang shortcut na.

Marvs: Sa former classmates ko 'to narinig, ewan ko, mahilig sila sa S eh.

Nunas: Kadalasan, ang tumatawag sakin ng ganito eh nasa edad 1-5 years old pa lang.

Paa: Napaka imoral man, nasanay na ako sa ganyang tawag. Nagsimula 'to nung 2nd year high school ako. Hiningi kasi ang sukat ng mga paa namin at ikinagulantang nila ng malaman nilang 11'' ang size ng paa ko.

MJ: Ayan na, tinawag akong MJ 'nung nagsimula na ako sa pagiging talent, dati kong handler ang nagpalayaw sakin nyan, high-class daw masyado ang buo kong pangalan eh. Nakss..Ü

Hemdzhei: Na-pronounce nyo ba ng tama? Mejo may pagka eksaherdo, TPI™ ang nagbinyag sakin nyan.

Andrei: Eto pa isa. Magugulat kayo kung sino nagpangalan sakin niyan. Who else? Non-other than Mr. Boy Abunda, yup, you read it right! May isa kasi akong opening skit sa Homeboy nun, and he asked my name sabi ko "MJ po", ewan ko kung dahil malabo ang pagkakasabi ko o talgang mahina na ang pandinig niya kaya niya nasabing "Ah,ok Andrei".Kaya 'yan din ang gusto kong maging screen name ko balang araw. Wow!Ü

Handzzrhei: Ang part two ng pagiging eksaherado ng TPI™, well I guess I don't to explain. Haha..

Share lang..

::: 5-Day rest :::

At last!Yeaba! As this moment, inaannounce na na "There will be NO CLASSES TOMMOROW in all levels!",so ibig sabihin,5 days kaming walang iintindihing numbers and formulas!Ay, ako lang pala..Kasi,ngayon, inannounce narin na suspended ang pasok, bukas wala ring pasok, Saturday and Sunday tapos Ninoy Aquino Day is moved from August 21,2007 Thursday to August 20,2007 Monday, it means 5 days walang pasok!Hahaha..ANG SAYA!!!

"Filipinos are worth dying for..."

-Aquino, Benigno "Ninoy"

::: MyTube presents... :::

I was browsing my PC, tapos I saw my old and recent photos, and then I got into this kind of idea na gawan ng sariling slide show and upload it to YouTube and here it goes.



very vain, haha!..:D

Monday, August 13, 2007

::: Bloody Examination :::

I need to face my 2-day...First periodical examination!Waaahhh..That will be today and tommorow will be the next part. Kanina, 4 subjects na ang tinake-up namin; English, Physics, Economics and Values. Kinda hard lalo na sa Physics, kasi as we all know, lagi akong nala-late sa subject na 'yan. Ang hirap ding mangopya dahil hindi natitinag ang adviser namin sa upuan niya, nagmamasid kung sino ang maghuhudasan, kaya ang ginawa ko since wala ng choice, hinulaan ko yung exam namin, hehe..Mejo positive naman 'yung hula ko eh. Late na ko nagising kaya hindi na ko nakapagalmusal. Hindi naman talga ko usual na nagaalmusal tuwing papasok sa school, ngayon ko lang pinlano kasi ng may exam, nagbaka-sakali akong baka may mailabas 'tong utak ko pag nagkaron ng laman ang sikmura ko, badly, hindi nga ko nakapagalmusal kaya walang lumabas sa utak ko. Sa English lang ako confident na hindi mababa ang score ko, peborit ko yun eh, hehe.. Bukas na namin ita-take-up 'yung mga monstrous subjects, Math (jusmi!), Filipino (nakupo Noli!), at MAPEH (no comment). Sana naman mabiyayaan ako ng sagot!


'Yun lang!Till next entry!Mabuhay!Ü

Saturday, August 11, 2007

::: The Much-Awaited Icon is Here! :::

Marian Rivera as MariMar Aldama





I was in an anxious mode when I got an idea to compare the original MariMar Aldama to our very own Pinay MariMar. Aren't they gorgeous?! Marian Rivera will fortunatley portray the role of Maria del Mar Perez Aldama/ Marimar and Dindong Dantes will be MariMar's love interest, Sergio Santibanez.


Sa totoo lang, naexcite ako nung nalaman kong may remake ng MariMar, napapanood ko na kasi 'to since bata pa ko. Sa lahat ng ni-remake na shows, dito lang ata ako nagkaron ng interes, full-pack ang mga cast ng show. Di na ko magbibigay ng much details about the show, just wait and see!
Monday, August 13,2007 after Lupin ang airing date and time ng MariMar,
so watch it!:D

-x-

Weird ba or wierd?! Whaat?!Nakakahiya, hindi ko sure 'yung spelling!hahaha..LOL!Any of those two will surely do!:D..Sleep mode na ko, 'till next entry!Ü

Friday, August 10, 2007

::: I, cool? :::

Bakit ganyan ang title ko?Ewan, wala kasi ako mailagay na maganda-gandang title para sa entry na 'to, e may katabi akong iCool, isang chewing gum, 'yun nalang ang ginawa kong title, mejo pinaarte ko lang ng konti.

-x-

Kanina, 6:15 am na ko nakabangon from bed, mejo nag-alangan nga ako pumasok dahil nabitin nanaman ako sa 2-day suspension of classes nung nakaraang miyerkules at kahapon, pero hindi maaari, mali yun kaya bangon ako at direcho sa banyo para maligo, 7:00 na ko nakaalis ng bahay, nakupo patay nanaman, baka ma-late nanaman ako sa 1st subject ko kaya tinakbo ko ang all in all ay 125 steps ng aming overpass at sumakay ng tryke papuntang school para hindi masarahan nanaman ng gate, haay, awa ni Lord, hindi pa ko late!:D
Natuwa muli ang aking guro sa 1st subject nang makita niya ko na hindi pumasok sa period niya ng kalahating oras lang, nagdialogue pa ng "Juice ko, magpapamisa ako Junas!", siyempre pa-impress ako ngayon para makabawi sa dami ng late ko sakanya.At eto ang klaymaks ng entry ko, nagkatunggali nanaman kami ni J-Lo kanina, practicum kasi namin kanina sa Music kaya isinasaulo nanamin ang kantang papakantahin samin. Dumaan ang 15minutes at itinigil na ang pag-eensayo at tuloy ang practicum, sa kamalas-malasang pagkakataon naman ay sabay kaming magpapracticum ni J-Lo, kasi 5 person every set, kaya naghahanda na ko ng pambara sa kanya.

Hindi pa naggo-go signal si Sir nang bigla siyang umatungal ng malakas...

J-Lo: "Anu ba 'yan, ang aarti, kakanta lang ih" (referring to my friend)

Bida: "Whe, umentra nanaman!Epal sa buhay pinapatay!"

J-Lo: "Hende ekaw yong kaosap ku ha, wag kang ipal"

Bida: "Ay, senu kaya ang ipal saten, bangaw!"

Hindi ko na pinalaki ang sagupaan dahil na rin sa nasa harap kami ng teacher, sibilisado naman ako 'di katulad niya kaya minarapat ko na lang manahimik.

Segway lang 'yan, 3pm ang uwian namin kaya wala pang 3 eh nagliligpit na ko at nang lumabas na si Sir ay siya 'ring paglabas ko, tinanong ko si Kathrine kung sasakay ba siya o maglalakad at sabay nalang kami, sasakay daw siya at nagpalibre sakin, wala na kong magawa kaya nilibre ko na at tatalakan nanaman ako nun. At ngayon, katabi ko si Gabby habang binubuo ang entry na 'to. nakarinig ako ng taho, teka bili muna ko, balik ako maya..Ü

Thursday, August 09, 2007

::: Boring Thursday :::

Mejo boring din pala pag walang classes, mejo lang naman, pabor parin ako sa 2-day suspension of classes na ginawa kahapon at ngayon, kaya lang, walang pera, matumal at mahina. Sayang yung Php 200 na nawala sakin dahil sa pagkakasuspend ng classes, pero ok lang, masaya parin, walang activities, walang execises, seatworks, 15-minute lunch (what the?!), at ang disaster na dulot ng mga monster teachers ko! Hay, sarap sarap. Ngayong mga oras na 'to, nakahilata ako sa kama kaharap ang laptop at bumubuo ng napaka walang saysay na post. Ano pa nga ba ang iba 'kong puwedeng gawin maliban sa pag-o-online?!Wala!Pero kanina, binalak kong umpisahan na 'yung report ko sa Music, kaso nung binuklat ko yung aklat ko, sus, ang ikli naman pal eh, yakang-yaka na 'yon!Hehe..I hope so! Katabi ko si kuya, natutulog dahil may werk pa sha memeya eh, hehe.. Ano pa ba maikwento..Hmmm..Ah ok, eto..

-**-

Last tuesday, may nakasagupa akong balasubas na kaklase, I won't name names nalang para malinis at walang laglagan sa halip, bigyan natin siya ng palayaw, J-Lo for jologs nalang ang pangalan nya para sa post na to. Here goes the story; Lumapit siya sa teacher ko sa Economics na si Sir Marano at sinabing "Sear!", oo, bisaya siya, e kilala naman ninyo siguro ako kung pano ko mangasar, binanatan ko kaagad, "Tanga!Anong sear?!Sir boplogs!", ngumiti lang siya at inirapan ako habang humahagalpak ako sa tawa. Lunch time, hawak ko ang dextrose ko (C2 Apple) at lumabas ng room para sumilip at makipag palitang kuro sa mga kaibigan sa iba't-ibang pangkat nang mamataan ko siya na nasa labas din. Sinimulan nya kong tirahin at patutsadahan ng kung ano-anong salitang sa squatter's area ko lang naririnig..I'm so mean..Haha!

J-lo: "Alam mo, nabubuwisit ako sa pagmumuka mo!"

Bida: "Kanino?Sakin?Ahmm..Close ba tayo?"

J-Lo: "Hindi, para makipagclose noh?!"

Bida: "Hindi naman pala eh, wag kang feeling ha?!Pwede?!'Di nga kita kilala eh!Haha.."

Word war ang gusto niya?!Pwes..game ako jan!

J-Lo: "Buwisit ka talga, feeling guwapo!"

Aba, dinamay na ang pagka-magandang lalaki ko!Hindi maaari yan!Haha..

Bida: "Hoy jologs, hindi ako feeling, hindi pa ba obvious na guwapo ako?Hindi ko kailangang mag-feeling ok?!Pangeeeet!"

J-Lo: "Kung sino man ang nagsabing guwapo ka, adik yun!"

Bida: "Whe?! type mo lang ako eh!Woootooot!Haha.."

J-Lo: "Yuck, di kita type!"

Bida: "As if! Di ko hinihingi na magkagusto ka sakin, lintik ang ichura mo!Nag tataka nga ako kung bakit ang mga kamag-anak mo sinasabihan ka ng maganda ka kahit pangit ka naman talaga!, pangit!Jologss!!!!"

J-Lo: "Gwapo ka nga, mayabang ka naman!"

Bida: "Hoy pangit, hindi ako mayabang, ang kitid ng utak mo! Porket nagsasabi ng totoo mayabang na!Mag-isip ka nga!"

J-Lo: "Ewan ko sayo!"

Bida: "Ano?! Wala ka ng mahirit 'noh?! Wag mo na kong kakausapin ha!Hindi tayo close!Please, wag mangarap! Nakakamatay 'yan!"

Ang sama ko, haha..Pasensya na kung nag tunog mayabang taalga ko, technique ko lang yun para maasar siya lalo. Intrimitida, sabatera, pakielamera, reyna entrada, chismosa, lahat na ata ng masasamang ugali nasakanya kaya ako nakapagsalita ng ganun, hehe..Sorry, hindi kami close eh..:D

-**-

Hindi pa 'yan ang pinaka matindi kong word war encounter sa school, meron pang isa, sa Student Teacher naman namin sa Math, uyy, Math daw oh, mortal enemy ko yang subject na yan eh pati na mga teachers!

May activity kasi kami, ineexplain pa niya samin kung pano sasagutan nang bigla niyang napansin na nagtetext ako at hindi ko siya pinakikinggan, tinanong niya ko..

ST: "Hindi ka nakikinig?Ha?!"

Bida: "Nakikinig, bakit po?"

ST: "E nagtetext ka eh!"

Bida: "Hindi ho ba puwedeng makinig habang nagtetext?!HAA?!"

ST: "Pilosopo ka, noh?!"

Bida: "Hindi naman gaano, dumedepensa lang."

Note: Bisaya yung S.T namin, as in bisaya, nakakalito siya magturo dahil sa dialect niya.

Tuloy ang word war...

ST: "Wag mo kong daanin sa paganyan-ganyan mo ha"

Bida: "Bakit ba?!Ano ba ginawa ko?!"

ST: "Hindi mo ko iniintindi eh"

Bida: "Edi intindihin!" (ibinulsa ko na ang phone ko)

Maya-maya nung magsasagot na, since hindi nga ko interesado, hindi ako nagsagot. Nagalit nanaman siya..

ST: "Bakit di ka gumagawa ha, magaling ka ba sa Math ha?!"

Insulto yung dating sakin niung tanong nya, kaya binato ko rin siya ng isa ring insulto.

Bida: "Hindi bakit?Ikaw, magaling ka kumanta ha?!"

ST: "Sa tingin mo papasa ka nyang ginagawa mo ha?!"

Bida: "Oo naman, nung 3rd year nga ipinasa ako ng TEACHER ko eh, teacher ko na yon ha!Kayo pa kaya."

Bakit kaya ganon..Ang dami umaaway sakin, bait-bait ko eh..:D



I am mean!LOL!:D

Tuesday, August 07, 2007

::: Freezingggggg :::

Sobra lamig ngayon dito samin, may bagyo daw kasi eh. Ewan ko kung anong pangalan nanaman ang pinangalan sa bagyo ngayon, basta malamig!

**

Wala kaming pasok!Suspended!Yipeee!!!Ü

Friday, August 03, 2007

::: My Version..My own Version! :::

To begin this, i just wanna inform you guys na kinuha ko 'tong entry na to sa blog ni Jewel Mische, at gagawan ko ng sarili kong bersyon.



**

There are: people who doesn't know what appreciation is.

At 14: i tried to do 'weird' stuffs that made my parents mad at me.

A Friend: will be your great savior specially infront of your parents (when they start to ask things about you!LOL)

I Don't Like: LIZARDS! Oh my..

I Like: photography!Wee!

I Don't Believe: that all artistas are nice and approachable! (uyy,issue!Haha..)

I Believe: in GOD! of course..:D

I Wonder: why are we studying math, I mean those complicated and annoying numbers and formulas.

I Feel: cold right now. grrr..

It's Scary: to lose someone you havn't value yet.

I Highly: appreciate those critisism i recieve from everybody. Negative nor positive will do! Haha..

I Remember: when i was a kid, someone pushed me into the canal that made my lola freak-out!haha..

I keep: eating all day long!Yumyum!:D

You: will be the next BIG THING! (sabi ko sa sarili ko!Haha)

Sometimes: im scared to face different kinds of people. (sometimes lang naman)

I Havn't: tried to ride in a ship! (pareho kami ni Juju,haha..)

I Have: been into a BIG trouble!Haha..

I Did: wake-up early last friday and didn't came late to school!Yipee!:D

I Didn't: want to go abroad. Honestly.

I Want: to be..Uhmm..Isn't it obvious?!Haha..

I Wanted: to learn how to cook.Ü

I Had: a dog named Bruce!A german-shepered..I guess!?

When: will my parents allow me to (secret)?

I've Got: a hundred fifty pesos in my old wallet.

One: hundred pa rin ang GLOBE sim card!Hehe..

I Am: Marvin Jonas Coronado Damian..

I Dance: when I was in elementary. Actually, I used to prefer dancing than singing before.

Some: people want it all, but I don't want nothing at all- Alicia Keys

It's been: a long long long time since I tried to dance a full music again..:D

These: are my addictions; butter cream, sisig at coke!Hehe..

It is: a bad I idea idoling SpongeCola..Oooooppss..

I Think: Angel Locsin made a better move!Haha..

Im Sure: my Kuya will react AGAIN (as always) on this post.

I Quit: nothing..I guess..

I Never: tried prohibited drugs!Hahahaha!

Tommorow: will be no classes again!Sana!

You Can't: blame me if Im famous!Wow!

I Should: eat my lunch 'cause my stomach is already revolutioning!

Thursday, August 02, 2007

::: This is what I want! :::

Everybody know's how vocal I am in what I want to be in my entire life. Ewan ko nga kung ano na tingin nila sakin kapag pinaglalantaran ko na gusto ko talgang mag-ARTISTA! Minsan naiisip ko "am I worth it?", "am I that deserving?". Kasi to be very honest, sobrang sikip na ng mundo nila, kaya ko pa kaya isingit yung sarili ko sa palaki ng palaking mundo ng mga artista?!Ever since bata pa ko, eto na yun eh, nakaprogram na sa utak ko, eto na yung gusto kong gawing paraan para magkaroon ng silbi. Alam ko sa sarili kong talented ako, pero kaya ko kayang tapatan o pantayan yung mga nagagwa nila? Yung mga naipapakita nila, kaya ko kayang lampasan? But of course, I know I can!I'm confident enough to face those cristisism that will try to put me down kung sakaling mapasok ko ang ganung klaseng trabaho. I know God will help me in reaching my goal and will help me to have a proper self-esteem and improve my personality.

Korni nanaman.Ü