Mejo boring din pala pag walang classes, mejo lang naman, pabor parin ako sa 2-day suspension of classes na ginawa kahapon at ngayon, kaya lang, walang pera, matumal at mahina. Sayang yung Php 200 na nawala sakin dahil sa pagkakasuspend ng classes, pero ok lang, masaya parin, walang activities, walang execises, seatworks, 15-minute lunch (what the?!), at ang disaster na dulot ng mga monster teachers ko! Hay, sarap sarap. Ngayong mga oras na 'to, nakahilata ako sa kama kaharap ang laptop at bumubuo ng napaka walang saysay na post. Ano pa nga ba ang iba 'kong puwedeng gawin maliban sa pag-o-online?!Wala!Pero kanina, binalak kong umpisahan na 'yung report ko sa Music, kaso nung binuklat ko yung aklat ko, sus, ang ikli naman pal eh, yakang-yaka na 'yon!Hehe..I hope so! Katabi ko si kuya, natutulog dahil may werk pa sha memeya eh, hehe.. Ano pa ba maikwento..Hmmm..Ah ok, eto..
-**-
Last tuesday, may nakasagupa akong balasubas na kaklase, I won't name names nalang para malinis at walang laglagan sa halip, bigyan natin siya ng palayaw, J-Lo for jologs nalang ang pangalan nya para sa post na to. Here goes the story; Lumapit siya sa teacher ko sa Economics na si Sir Marano at sinabing "Sear!", oo, bisaya siya, e kilala naman ninyo siguro ako kung pano ko mangasar, binanatan ko kaagad, "Tanga!Anong sear?!Sir boplogs!", ngumiti lang siya at inirapan ako habang humahagalpak ako sa tawa. Lunch time, hawak ko ang dextrose ko (C2 Apple) at lumabas ng room para sumilip at makipag palitang kuro sa mga kaibigan sa iba't-ibang pangkat nang mamataan ko siya na nasa labas din. Sinimulan nya kong tirahin at patutsadahan ng kung ano-anong salitang sa squatter's area ko lang naririnig..I'm so mean..Haha!
J-lo: "Alam mo, nabubuwisit ako sa pagmumuka mo!"
Bida: "Kanino?Sakin?Ahmm..Close ba tayo?"
J-Lo: "Hindi, para makipagclose noh?!"
Bida: "Hindi naman pala eh, wag kang feeling ha?!Pwede?!'Di nga kita kilala eh!Haha.."
Word war ang gusto niya?!Pwes..game ako jan!
J-Lo: "Buwisit ka talga, feeling guwapo!"
Aba, dinamay na ang pagka-magandang lalaki ko!Hindi maaari yan!Haha..
Bida: "Hoy jologs, hindi ako feeling, hindi pa ba obvious na guwapo ako?Hindi ko kailangang mag-feeling ok?!Pangeeeet!"
J-Lo: "Kung sino man ang nagsabing guwapo ka, adik yun!"
Bida: "Whe?! type mo lang ako eh!Woootooot!Haha.."
J-Lo: "Yuck, di kita type!"
Bida: "As if! Di ko hinihingi na magkagusto ka sakin, lintik ang ichura mo!Nag tataka nga ako kung bakit ang mga kamag-anak mo sinasabihan ka ng maganda ka kahit pangit ka naman talaga!, pangit!Jologss!!!!"
J-Lo: "Gwapo ka nga, mayabang ka naman!"
Bida: "Hoy pangit, hindi ako mayabang, ang kitid ng utak mo! Porket nagsasabi ng totoo mayabang na!Mag-isip ka nga!"
J-Lo: "Ewan ko sayo!"
Bida: "Ano?! Wala ka ng mahirit 'noh?! Wag mo na kong kakausapin ha!Hindi tayo close!Please, wag mangarap! Nakakamatay 'yan!"
Ang sama ko, haha..Pasensya na kung nag tunog mayabang taalga ko, technique ko lang yun para maasar siya lalo. Intrimitida, sabatera, pakielamera, reyna entrada, chismosa, lahat na ata ng masasamang ugali nasakanya kaya ako nakapagsalita ng ganun, hehe..Sorry, hindi kami close eh..:D
-**-
Hindi pa 'yan ang pinaka matindi kong word war encounter sa school, meron pang isa, sa Student Teacher naman namin sa Math, uyy, Math daw oh, mortal enemy ko yang subject na yan eh pati na mga teachers!
May activity kasi kami, ineexplain pa niya samin kung pano sasagutan nang bigla niyang napansin na nagtetext ako at hindi ko siya pinakikinggan, tinanong niya ko..
ST: "Hindi ka nakikinig?Ha?!"
Bida: "Nakikinig, bakit po?"
ST: "E nagtetext ka eh!"
Bida: "Hindi ho ba puwedeng makinig habang nagtetext?!HAA?!"
ST: "Pilosopo ka, noh?!"
Bida: "Hindi naman gaano, dumedepensa lang."
Note: Bisaya yung S.T namin, as in bisaya, nakakalito siya magturo dahil sa dialect niya.
Tuloy ang word war...
ST: "Wag mo kong daanin sa paganyan-ganyan mo ha"
Bida: "Bakit ba?!Ano ba ginawa ko?!"
ST: "Hindi mo ko iniintindi eh"
Bida: "Edi intindihin!" (ibinulsa ko na ang phone ko)
Maya-maya nung magsasagot na, since hindi nga ko interesado, hindi ako nagsagot. Nagalit nanaman siya..
ST: "Bakit di ka gumagawa ha, magaling ka ba sa Math ha?!"
Insulto yung dating sakin niung tanong nya, kaya binato ko rin siya ng isa ring insulto.
Bida: "Hindi bakit?Ikaw, magaling ka kumanta ha?!"
ST: "Sa tingin mo papasa ka nyang ginagawa mo ha?!"
Bida: "Oo naman, nung 3rd year nga ipinasa ako ng TEACHER ko eh, teacher ko na yon ha!Kayo pa kaya."
Bakit kaya ganon..Ang dami umaaway sakin, bait-bait ko eh..:D
I am mean!LOL!:D
Thursday, August 09, 2007
::: Boring Thursday :::
Posted by kuya mo :) at 4:10 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment