1:30 a.m na,wala. Naisipan ko lang mag-post kase feeling ko naaabanduna na yung blog ko (eh sa almost 2 months ko di nag-post eh). Katatapos lang namin kumain kasi nag power-trip nanaman kami ng mga minamahal kong kapatid, anong power-trip? Wala naman,pinag sanib-pwersa namin yung mga pera namin para makapagpa-deliver ng McDo. Me and Justin ordered Double Cheese Burger Meal,regular-sized drinks and fries,kay kuya naman Cheese Burger meal lang w/ coke float and regular fries, Julia had a McChicken Meal w/ coke float. Solved!:D..So habang sinusulat ko to,inaasar ako ni kuya,walang malang gawin kundi basahin ang post kung paano nya i-pronounce ang so-called "screen name" ko na 'MJ' na kung i-pronounce nya e "Ehemjehey",nakakabuwiset!At habang sinusulat ko tong post na to eh kasalukuyan din akong nakatutok sa t.v dahil sa mga sandaling ito ay malalaman na kung sino ang Big Winner ng Pinoy Big Brother Season II. Beatriz Saw from Bicol grabbed the title. Nothing more about that matter. Nakapag taping na nga pala ulit ako sa Bitoy's,kasi suspended ako ng 2-3 taping days dun sa show eh,kung bakit eh hindi ko din maintindihan. Ang instructions kasi,pag nasa loob na kami ng set,bawal MAG-TEXT (ayon yan kay *beeep*),so ang ginawa ko,binuksan ko nalang yung cam at nagfixur-fixur kami,aba malay ko bang pati pagkuha ng fixur eh bawal,hayun,pinalayas ako sa loob ng set!Pero binayaran nila ko dun ngunit wag daw muna ko magpakita sakanila!Hahaha..The day before the shoot,tinawagan na ko at sinabing may Bitoy's na daw ako!Yehey!I promise to be behave!Whaaat?!Talagang may ganon?!Anu pa ba..Bumili nga pala ko last week ng book written by my all-time idol Bob Ong!Woohoo! ABNKKBSNPLA ako? (mga kwentong chalk ni Bob Ong),Ill post some of his inspiring insides next time! I dunno why pero nakakarelate ako talga sa mga libro nya,especially 'tong last kong binili,minsan kasi naitatanong ko sa sarili ko kung bakit kaya tinatamad ako mag-aral ngayon?Hindi naman ako ganto dati. Dala ba to ng maikli at bitin na panahon para makipaghalubilo ako sa mga bago kong kaibigan? O talgang likas na sakin ang hindi umangat sa pag-aaral. Pag nabaso nyo yung libro,it'll make you realize the importance of having a good education. (Senti mode?Whaat?!) Kasi nung ako na mismo yung nakabasa,napagisip-isip ko na kawawa naman pala yung magulang ko kung umabsent ako ng umabsent sa school. Wala namang kasarapan at kagandahang idudulot saking yun bukod sa makakatulog ako ng mas mahaba at makakapanood ako ng Wowowee sa tanghali at ng Sis/Homeboy sa umagaÜ. To be serious,sa tingin ngayon ko lang naramdaman na dapat pala magseryoso sa mga bagay lalo na sa edukasyon! Kaya pinipilit ko parin makapasok kahit na minumura na ko ng mata kong kulay ketchup na sa pula dahil sa sobrang antok dala ng pagpupuyat. Na kahit walang pumapasok na lessons sa utak ko dahil sa sobrang kasabogan ng utak. Susubukan ko din na magkaraoon ng magandang imahe sa eskwelahan ko para naman pwede nila kong maipagmalaki (wow!) pagdating ng graduation. Graduation?!U-oh..Ü
oOoMJoOo
0 comments:
Post a Comment