Magbura ng blackboard, magwalis, maglampaso ng sahig, mag-floor wax, magbunot, magdilig ng halaman, at magtapon ng basura araw-araw. Parte yan ng house rules ng pampublikong eskwelahan, kasi walang janitor. Meron man, sa banal na Pricipal's office lang. Kaya hannga't maaari, lahat ng gawin mo,kailangan neat and orderly. Ang library para laging tahimik at malinis, hindi pinapagamit. Wala yata kaming librarian noon. Kaya lang kami nakapasok sa library nung Grade 6 e dahil ginamit sa general meating ng PTA 'yung room namin at kailangan kaming mag-evacuate.
Nung grade 1, pila-pila sa pag-ihi. Pagkatapos ng recess, isang section kayong haharap sa pader para jumingle. Nung grade 2, meron na kaming balde sa room. Portable toilet. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa ulo ni Miss Uyehara at naisip n'ya 'yon. Pero minsan sinasadya kong hindi i-shoot yung ihi ko sa balde dahil baka pagalitan ako pagnapuno ko 'yon. Takot ako kay Miss Uyehara. Isang beses pinigil ko ang ihi ko hanggang sa bahay 'wag ko lang s'yang maistorbo sa pagtuturo nya ng "Parts Of A Bird".
Meron kaming CR sa eskwelahan, pero walang janitor na nagme-maintain. Pag pumasok ka dito, masusuka ka muna bago ka matae. Kahit diarrhea mo uurong. At dahil madalas walang tao, binabalutan din ng mga supernatural stories 'yung mga comfort rooms, pero hindi ako naniniwalang dating sementeryo ang eskwelahan namin. Siguro 'yung mga nag-LBM na hindi nakagamit ng takubets gumawa nalang ng mga kwento para mawala 'yung sakit ng tiyan nila.
by: Bob Ong (ABNKKBSNPL Ako?!)
oOo
One of my favorote topic inside the book,mejo may pagkakahawig ng onti yung former school nya sa school ko ngayong highschool. Although my janitor naman kami,still, ambaho parin nung CR, although may janitor kami,janitor parin kami ng sarili naming room. Pero kung halimbawang kailangan ko talgang gumamit ng CR dahil sa kadahilanang nagrerebolusyon ang aking tiyan,walang pakundangang kong pinagngangalandakan na "NATATAE AKO!",ano naman?!Biglang may hihirit jan na "super feeling kolehiyala" na "eeeeewww naman Damian!"..Mga *lol! Make up your mind! Anong magagawa ko kung nag-overload yung mga kinain ko at kailangan ko ng magbawas?!Kaya siguro hanggang ngayon,nasanay na sila sakin. There are lot'sa things that we should be proud and to be ashamed of! Pero think about of what we will.
oOoMJoOo
Saturday, June 30, 2007
:::Students; "The Janitors":::
Posted by kuya mo :) at 11:04 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment