CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Friday, November 16, 2007

Ciao!Ü

Guys, i'll be off from this blog for now, need to fix things, important things..Hehe..Babayoo..Balik ako..Next yir!haha..♥

Thursday, November 01, 2007

Passion : : :

"If you don’t have the killer instinct in this business...

you are all dead!

I am a killer everyday in my life.

I want it and I just don’t really want it,

I’ll kill for it!

Not by stepping on people but I’ll kill for it because

I’m going to kill myself proving myself that


I DESERVE to be here."



Jose Javier Reyes, Director.

Thursday, October 11, 2007

oOo El Cheapo! oOo

Hehe..Almost 1 month nung last ako nag post, mejo nakakatamad kasi eh. Anyway, maraming nangyari nung isang buwan na yun at hindi na kailangan ikwento pa lahat. Eto nalang..

oOo

Kahapon, 4:30 na ko nakauwi from school, tapos nung papanik na ko sa overpass, may mga taong nakabihis ng t-shirt ng Globe, at may hawak sila ng madaming madaming Globe sim, nagbebenta pala. Tinanong ko kung magkano..(Drum rolls)..
Twentipayb Pesos lang!Akalain mo yun, haha..E since mura yung sim, bumile ko ng isa, wala lang, parang ang saya kasi eh, pero di ko naman ginagamit, hehe. Plano ko sana ipangloko yun kaso nakonsensya ko, kaya hindi ko nalang ginagamit, andun sa cabinet ko ngayon yung sim,hehe..Share lang..Ü

Tuesday, October 09, 2007

oOo Blog UpDate oOo

People!Mejo nireformat ko lang yung blog, konting palit lang sa template. Expect new posts and cool photos! Enjoy.Enjoy.Enjoy!Ü

-NunAs

Friday, August 31, 2007

::: Willie SUX!!! :::

+Panignit lang+

from Pinoy Rickey:

Wowowee host Willie Revillame got very emotional as he shared his true feelings about the “Wilyonaryo” controversy and Joey de Leon’s constant remarks about the issue. Joey is one of the main hosts of Eat Bulaga! on GMA-7, Wowowee’s rival program.
Willie seemed to lose control of himself and he blurted out, “Sa mga taong may sakit, kayo lang iniisip ko, off-cam, kahit walang camera, ano ginagawa namin dito? Tumutulong pa rin kami!”
Willie’s frustration was evident as he addressed Joey and the frequent remarks of the latter concerning the scandal. The exasperation of his voice showed how irritated he was with Joey.
“Ikaw na ang bida, ikaw na ang number one, sa iyo na ang ratings, ikaw na! Sige, Eat Bulaga! na ang number one!” Willie cried out.


-x-

What the heck is his problem?!Bobo talagang maituturing! Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi magcomment sa issue na 'to, actually napanood ko yung episode na 'yun at talaga namang magtataka ka kung bakit ganon ang nangyari. At si Bitoy na ang nagkuwento samin during the taping of BFV. Imposibleng nagkaroon ng glitch whatever dahil hindi naman iyon ang unang beses na nilaro ang said segment, nalaro na yon once at si Empoy pa ang contestant kaya bakit magkakaron ng problema samantalang nung nilaro naman 'yun ni Empoy ay wala namang naging gusot?! At si Joey De Leon pa ang kakalabanin niya?! Willie, I've got 2 words foe yah!
YOU SUCK!

Wednesday, August 29, 2007

::: BLOG UPDATE :::

Mejo tinatamad ako mag-gawa ng entry ngayon dahil na rin nagloloko ang connection namin.


I'll just leave you with these cool photos..Ü






Saturday, August 18, 2007

::: 16 years of living :::

I was browsing (again) my PC when I saw my baby photos and made me realize..

"Sh*t! Ang tanda ko na pala!"


This picture was taken at Subic when I was 3-4 years old ata. Isn't he adorable?!Haha..Ü



Ayos ba?Yup, long-haired kid ako dati, lahat kaming magkakapatid ay nakaranas ng ganyang uri ng hair-do!Hehe..Sa may terrace namin 'yan kinunan with a mexican-inspired look!Ü



Look at this..Ahhww..13 years of age. Unti-unti na kong namumulat sa puberty niyan!Hehe..I miss those days..



This is me! After 16 years!Ü



And look at me now, all-grown-up, mature na at siyempre, gwapo parin..Nakkss..I miss those days. 16 years of happiness, 16 years of loneliness, 16 years of dreaming, 16 years of sacrificing and 16 years of blessed life!






"Life is short, so make the most out of it!"

-Damian, Marvin Jonas

Thursday, August 16, 2007

::: Nicknames :::

Here's a pre-historical explanation why am I given this kind of crappy nicknames:

Jonas: Duh, obvious naman eh, they got this from my whole name. And oh, mas madali daw banggitin kesa sa Marvin, nahihirapan sila ipronounce ang "Vee" sound. LOL

Nas: Again, alam naman natin na ang pinoy eh mahilig sa shortcutin ang shortcut na.

Marvs: Sa former classmates ko 'to narinig, ewan ko, mahilig sila sa S eh.

Nunas: Kadalasan, ang tumatawag sakin ng ganito eh nasa edad 1-5 years old pa lang.

Paa: Napaka imoral man, nasanay na ako sa ganyang tawag. Nagsimula 'to nung 2nd year high school ako. Hiningi kasi ang sukat ng mga paa namin at ikinagulantang nila ng malaman nilang 11'' ang size ng paa ko.

MJ: Ayan na, tinawag akong MJ 'nung nagsimula na ako sa pagiging talent, dati kong handler ang nagpalayaw sakin nyan, high-class daw masyado ang buo kong pangalan eh. Nakss..Ü

Hemdzhei: Na-pronounce nyo ba ng tama? Mejo may pagka eksaherdo, TPI™ ang nagbinyag sakin nyan.

Andrei: Eto pa isa. Magugulat kayo kung sino nagpangalan sakin niyan. Who else? Non-other than Mr. Boy Abunda, yup, you read it right! May isa kasi akong opening skit sa Homeboy nun, and he asked my name sabi ko "MJ po", ewan ko kung dahil malabo ang pagkakasabi ko o talgang mahina na ang pandinig niya kaya niya nasabing "Ah,ok Andrei".Kaya 'yan din ang gusto kong maging screen name ko balang araw. Wow!Ü

Handzzrhei: Ang part two ng pagiging eksaherado ng TPI™, well I guess I don't to explain. Haha..

Share lang..

::: 5-Day rest :::

At last!Yeaba! As this moment, inaannounce na na "There will be NO CLASSES TOMMOROW in all levels!",so ibig sabihin,5 days kaming walang iintindihing numbers and formulas!Ay, ako lang pala..Kasi,ngayon, inannounce narin na suspended ang pasok, bukas wala ring pasok, Saturday and Sunday tapos Ninoy Aquino Day is moved from August 21,2007 Thursday to August 20,2007 Monday, it means 5 days walang pasok!Hahaha..ANG SAYA!!!

"Filipinos are worth dying for..."

-Aquino, Benigno "Ninoy"

::: MyTube presents... :::

I was browsing my PC, tapos I saw my old and recent photos, and then I got into this kind of idea na gawan ng sariling slide show and upload it to YouTube and here it goes.



very vain, haha!..:D

Monday, August 13, 2007

::: Bloody Examination :::

I need to face my 2-day...First periodical examination!Waaahhh..That will be today and tommorow will be the next part. Kanina, 4 subjects na ang tinake-up namin; English, Physics, Economics and Values. Kinda hard lalo na sa Physics, kasi as we all know, lagi akong nala-late sa subject na 'yan. Ang hirap ding mangopya dahil hindi natitinag ang adviser namin sa upuan niya, nagmamasid kung sino ang maghuhudasan, kaya ang ginawa ko since wala ng choice, hinulaan ko yung exam namin, hehe..Mejo positive naman 'yung hula ko eh. Late na ko nagising kaya hindi na ko nakapagalmusal. Hindi naman talga ko usual na nagaalmusal tuwing papasok sa school, ngayon ko lang pinlano kasi ng may exam, nagbaka-sakali akong baka may mailabas 'tong utak ko pag nagkaron ng laman ang sikmura ko, badly, hindi nga ko nakapagalmusal kaya walang lumabas sa utak ko. Sa English lang ako confident na hindi mababa ang score ko, peborit ko yun eh, hehe.. Bukas na namin ita-take-up 'yung mga monstrous subjects, Math (jusmi!), Filipino (nakupo Noli!), at MAPEH (no comment). Sana naman mabiyayaan ako ng sagot!


'Yun lang!Till next entry!Mabuhay!Ü

Saturday, August 11, 2007

::: The Much-Awaited Icon is Here! :::

Marian Rivera as MariMar Aldama





I was in an anxious mode when I got an idea to compare the original MariMar Aldama to our very own Pinay MariMar. Aren't they gorgeous?! Marian Rivera will fortunatley portray the role of Maria del Mar Perez Aldama/ Marimar and Dindong Dantes will be MariMar's love interest, Sergio Santibanez.


Sa totoo lang, naexcite ako nung nalaman kong may remake ng MariMar, napapanood ko na kasi 'to since bata pa ko. Sa lahat ng ni-remake na shows, dito lang ata ako nagkaron ng interes, full-pack ang mga cast ng show. Di na ko magbibigay ng much details about the show, just wait and see!
Monday, August 13,2007 after Lupin ang airing date and time ng MariMar,
so watch it!:D

-x-

Weird ba or wierd?! Whaat?!Nakakahiya, hindi ko sure 'yung spelling!hahaha..LOL!Any of those two will surely do!:D..Sleep mode na ko, 'till next entry!Ü

Friday, August 10, 2007

::: I, cool? :::

Bakit ganyan ang title ko?Ewan, wala kasi ako mailagay na maganda-gandang title para sa entry na 'to, e may katabi akong iCool, isang chewing gum, 'yun nalang ang ginawa kong title, mejo pinaarte ko lang ng konti.

-x-

Kanina, 6:15 am na ko nakabangon from bed, mejo nag-alangan nga ako pumasok dahil nabitin nanaman ako sa 2-day suspension of classes nung nakaraang miyerkules at kahapon, pero hindi maaari, mali yun kaya bangon ako at direcho sa banyo para maligo, 7:00 na ko nakaalis ng bahay, nakupo patay nanaman, baka ma-late nanaman ako sa 1st subject ko kaya tinakbo ko ang all in all ay 125 steps ng aming overpass at sumakay ng tryke papuntang school para hindi masarahan nanaman ng gate, haay, awa ni Lord, hindi pa ko late!:D
Natuwa muli ang aking guro sa 1st subject nang makita niya ko na hindi pumasok sa period niya ng kalahating oras lang, nagdialogue pa ng "Juice ko, magpapamisa ako Junas!", siyempre pa-impress ako ngayon para makabawi sa dami ng late ko sakanya.At eto ang klaymaks ng entry ko, nagkatunggali nanaman kami ni J-Lo kanina, practicum kasi namin kanina sa Music kaya isinasaulo nanamin ang kantang papakantahin samin. Dumaan ang 15minutes at itinigil na ang pag-eensayo at tuloy ang practicum, sa kamalas-malasang pagkakataon naman ay sabay kaming magpapracticum ni J-Lo, kasi 5 person every set, kaya naghahanda na ko ng pambara sa kanya.

Hindi pa naggo-go signal si Sir nang bigla siyang umatungal ng malakas...

J-Lo: "Anu ba 'yan, ang aarti, kakanta lang ih" (referring to my friend)

Bida: "Whe, umentra nanaman!Epal sa buhay pinapatay!"

J-Lo: "Hende ekaw yong kaosap ku ha, wag kang ipal"

Bida: "Ay, senu kaya ang ipal saten, bangaw!"

Hindi ko na pinalaki ang sagupaan dahil na rin sa nasa harap kami ng teacher, sibilisado naman ako 'di katulad niya kaya minarapat ko na lang manahimik.

Segway lang 'yan, 3pm ang uwian namin kaya wala pang 3 eh nagliligpit na ko at nang lumabas na si Sir ay siya 'ring paglabas ko, tinanong ko si Kathrine kung sasakay ba siya o maglalakad at sabay nalang kami, sasakay daw siya at nagpalibre sakin, wala na kong magawa kaya nilibre ko na at tatalakan nanaman ako nun. At ngayon, katabi ko si Gabby habang binubuo ang entry na 'to. nakarinig ako ng taho, teka bili muna ko, balik ako maya..Ü

Thursday, August 09, 2007

::: Boring Thursday :::

Mejo boring din pala pag walang classes, mejo lang naman, pabor parin ako sa 2-day suspension of classes na ginawa kahapon at ngayon, kaya lang, walang pera, matumal at mahina. Sayang yung Php 200 na nawala sakin dahil sa pagkakasuspend ng classes, pero ok lang, masaya parin, walang activities, walang execises, seatworks, 15-minute lunch (what the?!), at ang disaster na dulot ng mga monster teachers ko! Hay, sarap sarap. Ngayong mga oras na 'to, nakahilata ako sa kama kaharap ang laptop at bumubuo ng napaka walang saysay na post. Ano pa nga ba ang iba 'kong puwedeng gawin maliban sa pag-o-online?!Wala!Pero kanina, binalak kong umpisahan na 'yung report ko sa Music, kaso nung binuklat ko yung aklat ko, sus, ang ikli naman pal eh, yakang-yaka na 'yon!Hehe..I hope so! Katabi ko si kuya, natutulog dahil may werk pa sha memeya eh, hehe.. Ano pa ba maikwento..Hmmm..Ah ok, eto..

-**-

Last tuesday, may nakasagupa akong balasubas na kaklase, I won't name names nalang para malinis at walang laglagan sa halip, bigyan natin siya ng palayaw, J-Lo for jologs nalang ang pangalan nya para sa post na to. Here goes the story; Lumapit siya sa teacher ko sa Economics na si Sir Marano at sinabing "Sear!", oo, bisaya siya, e kilala naman ninyo siguro ako kung pano ko mangasar, binanatan ko kaagad, "Tanga!Anong sear?!Sir boplogs!", ngumiti lang siya at inirapan ako habang humahagalpak ako sa tawa. Lunch time, hawak ko ang dextrose ko (C2 Apple) at lumabas ng room para sumilip at makipag palitang kuro sa mga kaibigan sa iba't-ibang pangkat nang mamataan ko siya na nasa labas din. Sinimulan nya kong tirahin at patutsadahan ng kung ano-anong salitang sa squatter's area ko lang naririnig..I'm so mean..Haha!

J-lo: "Alam mo, nabubuwisit ako sa pagmumuka mo!"

Bida: "Kanino?Sakin?Ahmm..Close ba tayo?"

J-Lo: "Hindi, para makipagclose noh?!"

Bida: "Hindi naman pala eh, wag kang feeling ha?!Pwede?!'Di nga kita kilala eh!Haha.."

Word war ang gusto niya?!Pwes..game ako jan!

J-Lo: "Buwisit ka talga, feeling guwapo!"

Aba, dinamay na ang pagka-magandang lalaki ko!Hindi maaari yan!Haha..

Bida: "Hoy jologs, hindi ako feeling, hindi pa ba obvious na guwapo ako?Hindi ko kailangang mag-feeling ok?!Pangeeeet!"

J-Lo: "Kung sino man ang nagsabing guwapo ka, adik yun!"

Bida: "Whe?! type mo lang ako eh!Woootooot!Haha.."

J-Lo: "Yuck, di kita type!"

Bida: "As if! Di ko hinihingi na magkagusto ka sakin, lintik ang ichura mo!Nag tataka nga ako kung bakit ang mga kamag-anak mo sinasabihan ka ng maganda ka kahit pangit ka naman talaga!, pangit!Jologss!!!!"

J-Lo: "Gwapo ka nga, mayabang ka naman!"

Bida: "Hoy pangit, hindi ako mayabang, ang kitid ng utak mo! Porket nagsasabi ng totoo mayabang na!Mag-isip ka nga!"

J-Lo: "Ewan ko sayo!"

Bida: "Ano?! Wala ka ng mahirit 'noh?! Wag mo na kong kakausapin ha!Hindi tayo close!Please, wag mangarap! Nakakamatay 'yan!"

Ang sama ko, haha..Pasensya na kung nag tunog mayabang taalga ko, technique ko lang yun para maasar siya lalo. Intrimitida, sabatera, pakielamera, reyna entrada, chismosa, lahat na ata ng masasamang ugali nasakanya kaya ako nakapagsalita ng ganun, hehe..Sorry, hindi kami close eh..:D

-**-

Hindi pa 'yan ang pinaka matindi kong word war encounter sa school, meron pang isa, sa Student Teacher naman namin sa Math, uyy, Math daw oh, mortal enemy ko yang subject na yan eh pati na mga teachers!

May activity kasi kami, ineexplain pa niya samin kung pano sasagutan nang bigla niyang napansin na nagtetext ako at hindi ko siya pinakikinggan, tinanong niya ko..

ST: "Hindi ka nakikinig?Ha?!"

Bida: "Nakikinig, bakit po?"

ST: "E nagtetext ka eh!"

Bida: "Hindi ho ba puwedeng makinig habang nagtetext?!HAA?!"

ST: "Pilosopo ka, noh?!"

Bida: "Hindi naman gaano, dumedepensa lang."

Note: Bisaya yung S.T namin, as in bisaya, nakakalito siya magturo dahil sa dialect niya.

Tuloy ang word war...

ST: "Wag mo kong daanin sa paganyan-ganyan mo ha"

Bida: "Bakit ba?!Ano ba ginawa ko?!"

ST: "Hindi mo ko iniintindi eh"

Bida: "Edi intindihin!" (ibinulsa ko na ang phone ko)

Maya-maya nung magsasagot na, since hindi nga ko interesado, hindi ako nagsagot. Nagalit nanaman siya..

ST: "Bakit di ka gumagawa ha, magaling ka ba sa Math ha?!"

Insulto yung dating sakin niung tanong nya, kaya binato ko rin siya ng isa ring insulto.

Bida: "Hindi bakit?Ikaw, magaling ka kumanta ha?!"

ST: "Sa tingin mo papasa ka nyang ginagawa mo ha?!"

Bida: "Oo naman, nung 3rd year nga ipinasa ako ng TEACHER ko eh, teacher ko na yon ha!Kayo pa kaya."

Bakit kaya ganon..Ang dami umaaway sakin, bait-bait ko eh..:D



I am mean!LOL!:D

Tuesday, August 07, 2007

::: Freezingggggg :::

Sobra lamig ngayon dito samin, may bagyo daw kasi eh. Ewan ko kung anong pangalan nanaman ang pinangalan sa bagyo ngayon, basta malamig!

**

Wala kaming pasok!Suspended!Yipeee!!!Ü

Friday, August 03, 2007

::: My Version..My own Version! :::

To begin this, i just wanna inform you guys na kinuha ko 'tong entry na to sa blog ni Jewel Mische, at gagawan ko ng sarili kong bersyon.



**

There are: people who doesn't know what appreciation is.

At 14: i tried to do 'weird' stuffs that made my parents mad at me.

A Friend: will be your great savior specially infront of your parents (when they start to ask things about you!LOL)

I Don't Like: LIZARDS! Oh my..

I Like: photography!Wee!

I Don't Believe: that all artistas are nice and approachable! (uyy,issue!Haha..)

I Believe: in GOD! of course..:D

I Wonder: why are we studying math, I mean those complicated and annoying numbers and formulas.

I Feel: cold right now. grrr..

It's Scary: to lose someone you havn't value yet.

I Highly: appreciate those critisism i recieve from everybody. Negative nor positive will do! Haha..

I Remember: when i was a kid, someone pushed me into the canal that made my lola freak-out!haha..

I keep: eating all day long!Yumyum!:D

You: will be the next BIG THING! (sabi ko sa sarili ko!Haha)

Sometimes: im scared to face different kinds of people. (sometimes lang naman)

I Havn't: tried to ride in a ship! (pareho kami ni Juju,haha..)

I Have: been into a BIG trouble!Haha..

I Did: wake-up early last friday and didn't came late to school!Yipee!:D

I Didn't: want to go abroad. Honestly.

I Want: to be..Uhmm..Isn't it obvious?!Haha..

I Wanted: to learn how to cook.Ü

I Had: a dog named Bruce!A german-shepered..I guess!?

When: will my parents allow me to (secret)?

I've Got: a hundred fifty pesos in my old wallet.

One: hundred pa rin ang GLOBE sim card!Hehe..

I Am: Marvin Jonas Coronado Damian..

I Dance: when I was in elementary. Actually, I used to prefer dancing than singing before.

Some: people want it all, but I don't want nothing at all- Alicia Keys

It's been: a long long long time since I tried to dance a full music again..:D

These: are my addictions; butter cream, sisig at coke!Hehe..

It is: a bad I idea idoling SpongeCola..Oooooppss..

I Think: Angel Locsin made a better move!Haha..

Im Sure: my Kuya will react AGAIN (as always) on this post.

I Quit: nothing..I guess..

I Never: tried prohibited drugs!Hahahaha!

Tommorow: will be no classes again!Sana!

You Can't: blame me if Im famous!Wow!

I Should: eat my lunch 'cause my stomach is already revolutioning!

Thursday, August 02, 2007

::: This is what I want! :::

Everybody know's how vocal I am in what I want to be in my entire life. Ewan ko nga kung ano na tingin nila sakin kapag pinaglalantaran ko na gusto ko talgang mag-ARTISTA! Minsan naiisip ko "am I worth it?", "am I that deserving?". Kasi to be very honest, sobrang sikip na ng mundo nila, kaya ko pa kaya isingit yung sarili ko sa palaki ng palaking mundo ng mga artista?!Ever since bata pa ko, eto na yun eh, nakaprogram na sa utak ko, eto na yung gusto kong gawing paraan para magkaroon ng silbi. Alam ko sa sarili kong talented ako, pero kaya ko kayang tapatan o pantayan yung mga nagagwa nila? Yung mga naipapakita nila, kaya ko kayang lampasan? But of course, I know I can!I'm confident enough to face those cristisism that will try to put me down kung sakaling mapasok ko ang ganung klaseng trabaho. I know God will help me in reaching my goal and will help me to have a proper self-esteem and improve my personality.

Korni nanaman.Ü

Monday, July 30, 2007

::: Saya to da MAX! :::

A R E Y O U R E A D Y ? ? ?Ü



Malamang may hint na kayo kung anong ikukwento ko sa post na to. Yup, nag Star City kami!Yipee..Natuloy din. At ang cast?! Ian,Khaye,Jomz at Ako. Oo, apat lang kami. Supposed to be, 9 kami kaso nang injan yung 5 pang natira, hindi ko na babanggitin kung sino yung mga cartoons na yon!Basta eto lang ang masasabi ko,"The BEST night with my friends!". Hindi namin expected na magiging ganun kasaya yung gabing yon kahit 4 lang kami. 3pm ang usapan namin dito sa bahay, as usual, late ang mga tiga-ibang ibayo. Past 4 na sila dumating. We decided to go na dahil sumasama ang kulay ng buhay, este ng ulap. 15-20 mins of waiting, walang taxi na dumadaan, kaya sa Robinson's Galleria nalang kami pumunta para dun nalang sumakay ng taxi. Bumili kami muna ng ngunguyain habang nasa biyahe kaya nag-McDo muna kami at bumili ng Sundaes!Ü. 5pm na kami nakarating don at habang binabaybay namin ang CCP (dun kami binaba nung manong), di namin pinalampas ang panahon ng kodakan! Hindi naman gaano ka-crowded sa S.C kaya hindi kami nahirapan pumila.....Sa bilihan ng tickets. Kala lang pala namin na hindi crowded pero nung narating namin yung loob,juice ko!Super pila!Pero ok lang. Tiyagaan ika nga. Una naming sinakyan yung Wild River, FOI (for others info), ito yung ride na nakasakay ka sa log boat at aakyat sa almost 15ft. na tore at sabay dadausdos sa tubig!Bastos nga 'tong ride na to, lintik na tubig yan!Para kaming bagong ligo!Ü After that ride, bigla ng dumating si Haring Ulan at para kaming dinuraang langgam sa bilis ng buhos. Tinigil ang rides sa open-area ng place. Pasok din kami sa loob at naghanap ng masasakyan. Nakita namin ang Horror Houses; Gabi ng Lagim, Dungeon Terror at Ang Kilabot ng MUMMY; nakakagulat amf! Pero mas nag-enjoy kami sa The Mummy dahil nabuking namin yung mga tao sa loob na nananakot or should i say, nanggugulat. Kinausap pa kami at nakipagkwentuhan, o diba ang saya!Siguro naka 10x na balik kami dun at parang naglalakad na lang sa Luneta ang galaw namin. Hehe.. Since antagal tumigil nung ulan, nag dinner break muna kami. Rice-in-a-bucket ang trip namin. Ayan at tumigil na si Haring K.J at tuloy-tuloy na ang saya!Nasakyan namin halos lahat ng matataas na rides maliban lang sa Bumper Cars!Pucha kasi haba ng pila, daig pa WowoweeÜ. Di ko maalala yung ibang pangalan ng rides kaya hindi ko nalang ikukwento. Viking; FOI, ito yung malaking dambuhalang barko na nagssway ng back and forth, dito kami tinablan ng hilo, ay sila lang pala. Haha.. halos masukasuka na sila sa hilo!Haha.. The Loop; ay, eto na. Dito nagkasubukan, in case di alam nung iba, eto yung rides na may dadaanang loop yung coaster na talga namang maiiwan pati ang small intestine mo! Nung napagod at nahilo na SILA, nagplano na kami pumunta ng baywalk, ngunit dahil hilong hilo na si prinsesa Khaye, eh naglugaw na lang kami. Una, mami ang trip nitong si Khaye eh nagsara na yung Chowking, Arroz Clado nalang! Siguro 12:30 kami nakapara ng taxi pauwi. Masaya pauwi kasi naki-join pa si Manong Taxi Driver na si Kuya Pio, naghanap siya ng radio station na magpapa-Bounce (ika nga ni Kuya Pio, bumabayo!Ü) samin. Nakiki indak pa siya kay Ian at nakipag-robot dance pa!Haha..1am na kami nakauwi ng bahay at tumuloy muna sila Ian and Khaye dito samin para magpahinga kahit 5mins lang. Sobrang pagod at haggard na talga kami kaya nagyaya na umuwi si Khaye. Hinatid na namin sila sa sakayan at direcho narin kami sa aming mga kanya-kanyang bahay. Medyo malaki man ang nagastos namin nung gabing yon, sulit naman sa kasiyahan!Sana hindi yun ang una't huling beses na mangyayari yung ganun!
Dun sa mga curious sa photos namin, here's the link,click niyo nalang, masyado kasi madami, ayaw tanggapin nung blog!Thanks and Enjoy!Ü
http://www.flickr.com/gp/10695621@N05/7Czy96

Thursday, July 12, 2007

::: Stupid Filipino Translations for American Movies :::


1. Black hawk down - ibong maitim sa ibaba

2. dead man's chest - suso ng patay

3. i know what you did last summer - uyy... aminin!

4. love, actually - sa totoo lang, pag-ibig

5. million dollar baby - 50 million pisong sanggol (it depends on theexchange rate of the country)
6. the blair witch project - ang proyekto ng bruhang si blair

7. mary poppins - si mariang may putok

8. snakes on a plane - nag-ahasan sa ere

9. the postman always rings twice - ang kartero kapag dumutdot lagingdalawang beses

10. sum of all fears - takot mo, takot ko, takot nating lahat

11. swordfish - talakitok

12. pretty woman - ganda ng lola mo

13. robin hood, men in tights - si robin hood at ang mga felix bakat

14. 4 weddings in a funeral - kahit 4 na beses ka pang magpakasal, mamamatay ka rin

15. the good, the bad and the ugly - ako, ikaw, kayong lahat

16. harry potter and the sorcerer's stone - adik si harry, tumira ng shabu

18. brokeback mountain - may nawasak sa likod ng bundok ng tralala / bumigay sa bundok

19. the day of the death - ayaw tumayo (ng mga patay)

20. waterworld - basang-basa

21. there's something about mary - may kwan sa ano ni maria

22. employee of the month - ang sipsip

23. resident evil - ang biyenan

24. kill bill - kilitiin sa bilbil

25. the grudge - lintik lang ang walang ganti

26. nightmare before christmas - binangungot sa noche buena

27. annie hall - ang butas ni annie

28. never been kissed - pangit kasi

29. gone in 60 seconds - 1 round, tulog

30. the fast and the furious - ang bitin, galit

31. too fast, too furious - kapag sobrang bitin, sobrang galit

32. dude, where's my car - dong, anong level ulit tayo nag-park?

33. beauty and the beast - ang asawa ko at ang nanay nya

34. the lord of the rings - ang alahero


I got this from Friendster™. Wala lang, nakakatuwa lang.Ü

Sunday, July 08, 2007

::: Boys Nxt Door taping :::

1pm ang calltime namin at sa Town and Country Executive Village (Cainta) ang location namin. Maggis Academy to be specific. 12pm kami magkikita-kita sa Sports Center ng Marikina. Umalis ako ng bahay ng 11:30 and got there at round 12:15 na. Wala sila dun, then Ian texted me na nasa 7 11 daw sila. I went there and there they are Tita Joan (Tita ni Khaye) and Ian,pumu-food trip! Wala pa si Binibining Jane na siya na lamang ang aming hinihintay para makaalis. Nagtext pa siya samin na 12:00-12:15 dapat kumpleto na, tapos past 1pm na wala pa siya! Kamustahan naman 'yun?! At dahil nga sa sobrang katagalan ni Binibining Jane eh kung ano-ano na ang pinaggagawa namin. Bumili si Ian ng FHM dahil naakit (nanaman) siya sa mga nagseseksihang babae sa cover, Philippines Finest Edition yung binili nyang mag, yung may 100 Sexiest Women.


Yan malamang ang epekto ng pag-iintay ng matagal. Di naglaon at dumating na si Arvin. Si Jane nalang talaga ang kulang. Tentenenen. Ayan na siya! Kami pa ang tinalakan pag-dating, kesyo kanina pa daw siya nagiintay sa fountain, eh nagtext naman kami na sa 7 11 nalang dumerecho dahil mainit nga sa S.C. At wala pa pala kaming balak lumarga dahil maghahanap muna daw siya ng charger dahil nasisira daw ang kaniyang battery sa kanyang lumang charger. Ahh,bahala ka. Basta ako magbabasa.Ü

Yan si Jane,nagbibilang kung magkano ang sukli sa binili nyang charger. Dumating na lahat ng hinihintay namin. Yeaba, aalis na kami!Wohoo.. Nagpahatid kami sa bf ni Karent (Talent din) papuntang location. Pagdating namin don(2pm), syang buhos naman ng ulambon (tawag ni Jane sa ulan na mahina). Kumpleto na ang staff at utility men. Pati Artist nandun na. Si Aljur ang una kong nakita at sabay bati agad. Ako naman umismayl at tumango. Pinasilong kami sa tabi kasi mejo lumalakas na ang ulan. Nag-hanap sila ng puwedeng pagpupwestuhan ng mga talents. Pinapunta kami sa lugar kung saan nagpa-practice sila Aljur and Mart ng stunts nila para sa next sequence. Binati ulit ako ni Aljur, umismayl ulit ako at tumango. Ang tgal bago mag-start kaya nag fixur-fixur muna kami.Ü






"Talents!"..Ayan na, magsstart na kami! They gave me the role of Raymond, one of the "Auction Boys" together with Marky,Aljur,Mart,Kiko and Aaron. They let me wear Chuck Allie's longsleeves. (He's not included in the show). Wala kasi akong dalang semi-formal na clothes. So tinawag na kami para i-shot yung scene namin. I'm with Buboy,Miggs,Atom,Dec-dec and Preston w/ Ms. Malinis . Habang 'di pa nagtetake, kinamayan ako ni Aljur. Kinamayan ko naman. Nag-rehearse na kami at nag-take. After the shot, pinalabas muna ako at yung girls naman ang kukunan. Kala ko tapos na so I changed my clothes and return the longsleeves to Kuya Mon (wardrobe ass.). Hindi pa pala, a few minutes tinawag ulit ako ni kuya Mon to wear again the longsleeves. Nimake-up-an ako para magshoot ulit. At last, natapos na. Pero pinaiwan ni Direk Edsel yung ibang talents including Khaye and Ta Jo (kasama namin). Siguro, 2 hours bago sila natapos. The staffs are great,mababait talaga. We knew them Magic Kamison days palang, kaya siguro we're comfortable working with them. Even the artists:

Aljur: 'Yan siyempre, we both know each other kaya wala na masyadong ilangan, batian and smile-an. Ok naman, he even told his haircut disaster story. Kasi even from the beggining of the taping, lagi siyang naka-cap, 'yun pala, kalbo na. Binaboy daw ng barbero yung buhok niya.

Mart: Nice guy 'din. He even drop a joke on me, his delivering his lines infront of me in an FPJ movements. Then he tap me on my back and laughed. He even asked kung nagkita na kami before, sabi ko oo, dito rin sa taping ng BND.

Kiko: Nakajamming naman namin 'to sa swing. He's smoking when he sat on the other seat of the swing. Then he asked kung tropa ko daw ba si Russell (friend). I said yes, tinanong niya kung bakit 'di kasama. Sabi ko may inattendan na VTR, kung ano-ano pang pinagkwentuhan in 10-15 mins, then he went inside the set.

Marky: Nothing much to say. Dun lang sa scene namin ko siya nakausap saying wag daw ako kabahan kay Ms. Malinis (Janice De Belen).


Kris: Haay..I am so obsessed in this girl, ganda kasi tsaka finess gumalaw. Very woman. Siyempre, pwede ba naman 'di ako magpa-picture. Umakbay ulit siya sakin. Yeaba!



Glaiza: Wala rin akong maikwento eh, para kasi siyang loner. Ang lamya, lagi pang mag-isa. Pero she's pretty!Ü

Stef: Very bubbly! Tinawag ko siya, sabi ko "Hi Steeeeeefff!" sinagot niya naman ako ng "Hi kuyaaaaaaaa!". Katuwa.Ü

Rich: 'Di ko naman to nakabonding eh. Pero very bombshell image, sexy and b-e-a-utiful!



Justine (Jiro): Nung nakita namin to, I asked him kung pwede magpapicture si Khaye, 'di kami pinansin, diredirecho lang, tapos sabi ko "Bilis,game", biglang balik at nagpapicture naman.

Charming: Typical kid. Always asks and always play.Ü

Wala ako masyadong picture with the artists kasi napasobra yung kuwentuhan namin eh. Pero i'll just share some cool photos taken frome my mobile phone. Next next week pa ata ipapalabas yung episode namin. Enjoy!Ü


Friday, July 06, 2007

::: The non-sense-iest Dream:::

I'm on this anxious feeling wherein I thought of my wierdiest dream. Naisip ko lang some minute ago. How does it feels when you're using a harness?! Wala lang..Ü Anu kaya feeling? Haha.. I just wanna share.Ü

My Wierdiest Dream: Makagamit ng HARNESS!!Ü

Thursday, July 05, 2007

:::It's better Late than...Later..Ü:::

"Good morning Ma'am, sorry I'm late.."

Hindi na nawala 'yang linyang 'yan sakin, elementary palang ako, lagi kong sambit 'yang famous lines na 'yan. So kanina, pumasok na nga ako, as as usual; LATE! Bad trip yung guard (Romano "Batok" to be specific), 7:30 am kasi yung time ko, 7:10 pa lang, nakasara na yung gate! Siyempre, super antay ako sa gate until 8:00 am, buti nalang meron akong classmate na late din. Thanks Marc Jim! Hehe.. So nung pagbukas nung gate, nagmadali kami pumanik para makahabol sa 1st subject naming Physics IV, sa awa ni almighty, nakahabol naman kami, may exam pala, buti nalang naniningil pa lang. Bayad ako ng P2.00, nagtest na kami.. Out of 55 items, ** lang ako (secret!Ü)! Paksiyet! Anyway, pagkapasok ko, as if 5 years akong 'di pumasok kung makatanong. Ahww,they've missed me!Hahaha.. So after ng Physics, English na tapos Math then recess na!Yeaba!:D..Bago ko kumain, punta muna ko sa clinic para ipa-check kung ok na ba talaga yung precious eyes ko, wala na naman daw problema,ayos! I went on the pantry (sige na nga,sa canteen!Ü) tapos bumili ako ng C2 Apple and Sandwich tapos I went to my room to have a chit-chat with my long-lost kalasmeyt. Dami nilang talk-shit! Haha.. Dami nila kwento about those lessons that I'd totally missed as much I missed Batok! Haha.. Anyway, dami ko na palang hindi alam, at take note, 3 of my classmates na absent din nung mga araw na absent ako at kasalukuyang absent has the same illness that I had. Trend na pala ulit ngayon ang Mutangmata or Super Sore Eyes in english! Haha.. Uso na pala ito ngayon, ako ang nauna! Haha.. Kanina, it's our surprise C.A.T subject, u-oh..Gupitan time! Arrghh.. Buti nalang naka-clay dough ako, thanks to Bench Fix™ styling clay!Ü.. May isa kong kalasmeyt na nagupitan ng bangs, si Jun Rey, power-kaba 'yung kinabahan ko kanina kasi mahaba 'yung patilya ko, balita sakin ng mga kalasmeyt ko eh nanggugupit na daw si sir ng mahahabang patilya, nakupo! Tug-dung,tug-tug.. Ayan na!...WHEW! Hindi pinakialaman yung golden hair ko! Yeaba! Tapos, the heavy rain blowed down, haay..Talap matulog!Ü Hanggang ngayon umuulan pa ng konti, pero malamig yung hangin, that's why I feel sleepy right now!


Sabi ng mga scuba divers tungkol sa ilalim ng tubig "It's a different world down there!"

Sabi ng mga sky divers tungkol sa kalawakan "It's a different world up there!"

Sa pagiging high school teacher, isa lang ang masasabi ko "It's a different world at the teacher's table!"

-Bob Ong (ABNKKBSNPLAko?!)

Tuesday, July 03, 2007

:::MJ Damian: King of Wishful Thinking..Ü:::

Haha..I dunno (again) what title would fit this post. I'm actually here at the 3rd floor of the house which happens to be the room of kuya Joey. Why? It's because of my "Super Infection" called as Sore Eyes!Haha.. Lahat takot sakin!Buwahahaha!! Ayoko sana dito matulog for 1 night kasi sobrang init, para akong nasa sauna bath. Init talga. Actually,to be honest, this is not the main topic of my post. Wala lang. Epal lang sa buhay!Ü

oOoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOo
Who the hell is Marvin Jonas Coronado Damian anyway?The hell I care?

16th of May,year 1991. I was born. Marvin Jonas C. Damian happens to be the 2nd fruit of Marlon and Josie Damian. Nunas as they called me. 16 years of age. Living a happy but uncontented life here in Pasig. Has 3 siblings. Mabait naman ako eh, hindi ko alam kung bakit people would prejudge me as masungit and suplado. Maybe they misinterpret my shyness into supladoness. Has dreams to reach! I'm very eager to pursue my studies as much as pursuing my so-called "Showbiz" career. Many people specially my parents disagree with the desicions I'm making in my life. Marami na kong naranasan na mga bagay-bagay. Nagka-dengue na ko. Nahulog na ko sa kanal matapos itulak ng adik na kasalukuyang sabog. Nakipagtagu-taguan sa mga kaibigan-slash-pinsan ko. Nakipaghabulan ng bread knife kay kuya. Nakipag suntukan kay Justin. Nakipag talo kay Nanay. Nanampal ng kapatid. Nasampal ng magulang. Natutong mag-luto, maglaba, mamalantsa,kumain mag-isa, makipaghalu-bilo, makisamang maayos, gumalang sa matatanda, galangin ang kapwa, gumawa ng homework mag-isa, mag-cutting classes, umabsent ng 1 week dire-diretso, manuod ng t.v, mangulit, mang-asar, mapagalitan, mabugbog, mahataw, mapagsabihan, masermonan, at napakarami pa! For other people, they don't treasure those kind of things that they've experienced in their life. Many of those teen-agers outside doesn't know how to value things that does'nt bring enjoyment into their life. Ang gusto lang nila, manghingi ng pera, maglakwatsa, umuwi,kumain, magreklamo bakit ganun lang ang ulam nila, matulog at gumising. Most of the time, people inside our house thinks that I'm doing the same way. Siyempre ako naman hindi makapag-explain. Dito sa bahay, bawal ako magpaliwanag pag may napuna silang mali. Sila lang dapat ang paniwalaan!(many people would react. I'll expect it!). Never a time that I was given a chance to defend my self. Many incidents that happened but I was not given that chance to explain. Teka bakit jan napupunta yung usapan?! Anyway, so I'm in senior level in highschool, studying in Eusebio High School; A public one. Maybe because of the school that's why I'm acting this way. But it's imoral to blame my school. I think it's me, my ownself is the suspect. Sometimes, I can't control my entire body to do such things like drinking alcoholic beverages, taking cigar (sorry), shouting at my grandparents, behaving badly. Enough my ka-sentihan. My only goal is to entertain people. Sharing my precious (daw oh?!) talents, be popular, be famous, in short, t become a CELEBRITY!Wow..Gulat ba kayo?! Since I was a kid, I'm always commited to sing or/and dance in; birthday parties, christmas parties, despedida parties, wedding parties, lahat na ata ng parties nakantahan ko na. But as long as they are enjoying what I am doing, nageenjoy din ako. Kaya ngayon I am very eager to reach THAT dream. Kaya I entered the world of being "TALENT". Dun sa mga hindi nakakaalam, talents are wannabes na sinusupply kung kailangan ng crowd,special roles, waiter, etc. Masaya naman, in that way, feeling ko parang unti-unti ko nang na-iinvade ang showbusiness. I've encounter so many peolple. From the propsmen up to the Artists. Masaya pero pagod pala katapat non. Totoo palang may katapat ang bawat sarap. You can't feel the greatness of life kung hindi mo ito pagpapaguran. Kaya I want to ask for forgivness to y parents,friends,relatives.Sa lahat ng na-offend ko, pasensya na po! I think i need to reconstruct my life and start with great plans and great personality! I know that God has better plans for me! I know that he would help me and guide me into the journey I am about to take. Ü

(Ang Korni)

Monday, July 02, 2007

:::My Boys Nxt Door appearance..Ü:::





That was my first appearance in Boys Nxt Door. After that airing, Siopao na ang tawag nila sakin! Arrgghh.. Pero i love it!What?!Hehe.. That scene was the "Sandwich Robbery" of Aljur Abrenica. Syang, anlakas pa naman ng sigaw ko ng "Magnanakaw!" jan, kaso wala nga pala kong lapel!Haha.. Anyway, matagal na kami nag-taping for that episode. Nung taping, masaya naman, everything was fine. Sa Filinvest ang location nyan, dun sa Clubhouse ng subdivision. It was almost 5:00 am na in the morning when we shot that scene. Masaya naman kahit sobrang sabog na kami, buti pa yung iba nakatulog, kami hindi. After ng take, nakipagkwentuhan si Aljur samin, ok naman, mabait pero di masyadong maboka, tahimik lang. Nagpakilala ako and I mention my blood relationship on Jan Manual. Nagkapalitan ng contact nos., pauwi na din pala siya non sa Pampanga, inintay lang na ma-take yung scene nya. Pack-up na rin kame, I got home siguro 7:00 am na, super tulog ako kaagad, wala ng bihis-bihis. Naipalabas na nga pala 'yan, nung pilot episode ng show,yung girl, siy si Kit, co-talent ko..Ü May second appearance pa ko sa BND, sa school naman yun, hanapin ko pa yung video eh, sa ngayon, yan muna..Hehe..Thanks sa mga nagcomment!:D

:::Wasted Day...(again..sigh):::

I don't know how am I gonna start this. Well,i just wanna share some uncool stuffs today. I was absent (again) from school,not beacause of my tardiness but because of my freakin' SORE EYES!What?!Yup,my eyes we're infected. I dunno if it is because of my contact lenses or what,basta ayoko nito! I woke up early this morning expecting that I won't be late at school for the first time, pero nung pag-dilat ko ng mata ko, it felt so uneasy, ang bigat sa pakiramdam, feeling ko tone-toneladang muta ang pumapalibot sa mga precious eyes ko. Bumangon na ko tapos humarap sa salamin,huwaaat?! Hindi pala "feeling" yun, totoo pala. Tone-toneladang muta nga ang sumalubong sa dapat eh Good Morning ko.Pero i took a bath paren expecting na ligo lang ang katapat non, after ko maligo, ayun,lalong namulaang mga mata ko na puro semi-solid na muta. I put my clothes on and went out, I saw Dada (grandpa) waiting for me inside his car. "Sasabay ka ba?Sumakay ka na para mabilis!". No choice,sumakay ako kahit unti-unti nang humahapdi ang mga mata ko, at the middle of the road, sabi ko may nakalimutan akong libro,yes, I LIED! Yung totoo nun, super sakit na ng mata ko. Naglakad ako pauwi, at nasalubong ko yung Revo na dala ni ermat, syempre super sigaw,ano pa nga ba?! Uwi ako samin, juice ko, para akong isang malaking tae kung iwasan ako ng mga tao samin, aba, tila mga bandido. Pag kinausap ko sila, hindi sila tumitingin sakin,kundi nakayuko, pilit tumitingin kung saan-saan wag lang makita yung mata ko. One Filipino belief/stupidity; Pag tumingin ka ng diretso sa mata ng may Sore Eyes,lilipat sayo yung impeksyon!Naahh.. 'Di wag nila kong pansinin. Nagugutom ako! Bihis muna ko ng pambahay then baba sa kusina, nagkal-kal ng makakain,aba naknang boogie nga naman, ang laki-laki ng bahay, walang pagkain,Siyet! Yung allowance ko ngayon, allowance ko nung friday, natira sa pambili ng notebook at pampagupit. SAKTO! May pangpa-deliver na ko!Yehey!Niyaya ko si ate,pumayag naman siya after 1 1/2 hour. Natulog na nga ko eh. Nung una, 'di namin alam kung McDo ba o Jollibee. Taliwas ang aming mga desisyon, McDo siya, Jolibee ako! At dahil sa ako ang pasimuno, ako ang nag-wagi! 2pcs Burger Steak, large-sized Coke at Large Fries,yan ang akin. Kay Ate Karen naman, 1pc Chicken Joy,regular-sized Coke at Large Fries para kay Gabbi! Presto, after 30 mins, may lunch na kame!Mas matagal pa nga yung pagtatalo namin ni Ate kesa sa delivery hour. After eating, nangapit-bahay naman ako, umalis na pala si Jerome papuntang school. Sigh! Wala nanaman akong kasama. :-(..Well, anyway, eto ako ngayon nakaharap sa PC at nagpo-post ng kung ano-ano!

"I have never let my schooling interfere with my education"
-Mark Twain (ABNKKBSNPLAko?! by Bob Ong)

Saturday, June 30, 2007

:::oOooOo:::












I just wanna share some of my pics..La akong maisip i-post eh..:D

Enjoy!:D


:::Students; "The Janitors":::

Magbura ng blackboard, magwalis, maglampaso ng sahig, mag-floor wax, magbunot, magdilig ng halaman, at magtapon ng basura araw-araw. Parte yan ng house rules ng pampublikong eskwelahan, kasi walang janitor. Meron man, sa banal na Pricipal's office lang. Kaya hannga't maaari, lahat ng gawin mo,kailangan neat and orderly. Ang library para laging tahimik at malinis, hindi pinapagamit. Wala yata kaming librarian noon. Kaya lang kami nakapasok sa library nung Grade 6 e dahil ginamit sa general meating ng PTA 'yung room namin at kailangan kaming mag-evacuate.

Nung grade 1, pila-pila sa pag-ihi. Pagkatapos ng recess, isang section kayong haharap sa pader para jumingle. Nung grade 2, meron na kaming balde sa room. Portable toilet. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa ulo ni Miss Uyehara at naisip n'ya 'yon. Pero minsan sinasadya kong hindi i-shoot yung ihi ko sa balde dahil baka pagalitan ako pagnapuno ko 'yon. Takot ako kay Miss Uyehara. Isang beses pinigil ko ang ihi ko hanggang sa bahay 'wag ko lang s'yang maistorbo sa pagtuturo nya ng "Parts Of A Bird".

Meron kaming CR sa eskwelahan, pero walang janitor na nagme-maintain. Pag pumasok ka dito, masusuka ka muna bago ka matae. Kahit diarrhea mo uurong. At dahil madalas walang tao, binabalutan din ng mga supernatural stories 'yung mga comfort rooms, pero hindi ako naniniwalang dating sementeryo ang eskwelahan namin. Siguro 'yung mga nag-LBM na hindi nakagamit ng takubets gumawa nalang ng mga kwento para mawala 'yung sakit ng tiyan nila.

by: Bob Ong (ABNKKBSNPL Ako?!)

oOo
One of my favorote topic inside the book,mejo may pagkakahawig ng onti yung former school nya sa school ko ngayong highschool. Although my janitor naman kami,still, ambaho parin nung CR, although may janitor kami,janitor parin kami ng sarili naming room. Pero kung halimbawang kailangan ko talgang gumamit ng CR dahil sa kadahilanang nagrerebolusyon ang aking tiyan,walang pakundangang kong pinagngangalandakan na "NATATAE AKO!",ano naman?!Biglang may hihirit jan na "super feeling kolehiyala" na "eeeeewww naman Damian!"..Mga *lol! Make up your mind! Anong magagawa ko kung nag-overload yung mga kinain ko at kailangan ko ng magbawas?!Kaya siguro hanggang ngayon,nasanay na sila sakin. There are lot'sa things that we should be proud and to be ashamed of! Pero think about of what we will.

oOoMJoOo

:::Nothing To Post:::

1:30 a.m na,wala. Naisipan ko lang mag-post kase feeling ko naaabanduna na yung blog ko (eh sa almost 2 months ko di nag-post eh). Katatapos lang namin kumain kasi nag power-trip nanaman kami ng mga minamahal kong kapatid, anong power-trip? Wala naman,pinag sanib-pwersa namin yung mga pera namin para makapagpa-deliver ng McDo. Me and Justin ordered Double Cheese Burger Meal,regular-sized drinks and fries,kay kuya naman Cheese Burger meal lang w/ coke float and regular fries, Julia had a McChicken Meal w/ coke float. Solved!:D..So habang sinusulat ko to,inaasar ako ni kuya,walang malang gawin kundi basahin ang post kung paano nya i-pronounce ang so-called "screen name" ko na 'MJ' na kung i-pronounce nya e "Ehemjehey",nakakabuwiset!At habang sinusulat ko tong post na to eh kasalukuyan din akong nakatutok sa t.v dahil sa mga sandaling ito ay malalaman na kung sino ang Big Winner ng Pinoy Big Brother Season II. Beatriz Saw from Bicol grabbed the title. Nothing more about that matter. Nakapag taping na nga pala ulit ako sa Bitoy's,kasi suspended ako ng 2-3 taping days dun sa show eh,kung bakit eh hindi ko din maintindihan. Ang instructions kasi,pag nasa loob na kami ng set,bawal MAG-TEXT (ayon yan kay *beeep*),so ang ginawa ko,binuksan ko nalang yung cam at nagfixur-fixur kami,aba malay ko bang pati pagkuha ng fixur eh bawal,hayun,pinalayas ako sa loob ng set!Pero binayaran nila ko dun ngunit wag daw muna ko magpakita sakanila!Hahaha..The day before the shoot,tinawagan na ko at sinabing may Bitoy's na daw ako!Yehey!I promise to be behave!Whaaat?!Talagang may ganon?!Anu pa ba..Bumili nga pala ko last week ng book written by my all-time idol Bob Ong!Woohoo! ABNKKBSNPLA ako? (mga kwentong chalk ni Bob Ong),Ill post some of his inspiring insides next time! I dunno why pero nakakarelate ako talga sa mga libro nya,especially 'tong last kong binili,minsan kasi naitatanong ko sa sarili ko kung bakit kaya tinatamad ako mag-aral ngayon?Hindi naman ako ganto dati. Dala ba to ng maikli at bitin na panahon para makipaghalubilo ako sa mga bago kong kaibigan? O talgang likas na sakin ang hindi umangat sa pag-aaral. Pag nabaso nyo yung libro,it'll make you realize the importance of having a good education. (Senti mode?Whaat?!) Kasi nung ako na mismo yung nakabasa,napagisip-isip ko na kawawa naman pala yung magulang ko kung umabsent ako ng umabsent sa school. Wala namang kasarapan at kagandahang idudulot saking yun bukod sa makakatulog ako ng mas mahaba at makakapanood ako ng Wowowee sa tanghali at ng Sis/Homeboy sa umagaÜ. To be serious,sa tingin ngayon ko lang naramdaman na dapat pala magseryoso sa mga bagay lalo na sa edukasyon! Kaya pinipilit ko parin makapasok kahit na minumura na ko ng mata kong kulay ketchup na sa pula dahil sa sobrang antok dala ng pagpupuyat. Na kahit walang pumapasok na lessons sa utak ko dahil sa sobrang kasabogan ng utak. Susubukan ko din na magkaraoon ng magandang imahe sa eskwelahan ko para naman pwede nila kong maipagmalaki (wow!) pagdating ng graduation. Graduation?!U-oh..Ü


oOoMJoOo

Wednesday, May 09, 2007

..The Audition Day (My Day!)

Kanina, my manager texted me and informed me that there will be a go-see/auditon for the new sitcom-slash-gag show ng ABS-CBN,so i need to prepare my self (Take a bath,magbihis ng maayos,put some concealer,kaylangan yun!,).2pm na kami nakarating sa ABS compound, grabe dami ng talents na magaaudition!Tinensyon ako bigla,nanlambot yung tuhod ko!May nag pa fillup ng audition form samin,in-attach namin yung picture namin.Mejo matagal bago kami natawag,and when it's time for our turn,hala!Kinabahan ako lalo. Binigyan kami ng auditon piece, actually 6 scenes yung kailangan namin i-memorize,since comedy show nga,puro punch line..tinawag na kami..ACTION!

(This is the lines)

Lalaki 1: Haay,mabuti naman at natanggap ako dito. Malaking kompanya 'to,sikat ako sigurado! Bigtime ika nga

(Enter Lalaki 2)

Lalaki 1: Uy,mukhang kliyente ah,teka,mapasikatan nga at mapabilib..(angat sa telepono).."1 million pesos?!Ok,we have a deal,alam mo naman ako pag nag-ayos ng kontrata,siguradong patok,ok sige!Bye Mr. Ayala!"..Ah,ano hong maipaglilingkod ko sa inyo?!

Lalaki 2: Sir,ako ho yung gagawa ng putol nyong telepono!

:P

Dami pang lines,mejo tinatamad na ko mag type eh.Anyway,yun nga,hindi naman sa pagyayabang,ako lang ang nakapagpatawa sa director!Nung tumirada ko ng lines,tawa agad ang mokong!Pero,parang ang galing ko naman!haha..basta!Ansarap ng feeling!! Hopefully matanggap ako dun para naman may regular show na ko!!Hirap mag-showbiz!!Boogoom!!

::m-jei::

..Get Ready For Some Summer Luvin'! (Photo Edition):D